top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 estudyante, ninakawan ng 2 cellphones

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 5, 2023


AKLAN —Dalawang estudyante ang ninakawan ng dalawang cellphones ng isang isnatser kamakalawa sa bayan ng Kalibo sa lalawigang ito.


Dahil kapwa menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang estudyanteng biktima na kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nakatayo ang dalawang estudyante malapit sa isang sementeryo ay biglang sumulpot ang hindi kilalang isnatser at inagaw ang mga hawak nilang cellphones.


Agad humingi ng tulong sa pulisya ang dalawang biktima, at sa ngayon ay naglunsad na ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang isnatser.


Sinabi ng pulisya na may CCTV sa lugar at nakita dito ang mukha ng isnatser kaya't umaasa silang madali nilang matutunton ang kinaroroonan ng suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page