top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 Empleyado tepok sa karambola

BULGAR
Dec 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 13, 2022


ISABELA—Dalawang empleyado ang nasawi at isang driver ang sugatan sa naganap na karambola o banggaan ng tatlong sasakyan kamakalawa sa Bgy. Bugallon Proper, Ramon.


Nakilala ang mga nasawi na sina Karen Briones at Addison La-ao, samantalang ang sugatan ay ang driver ng van na si Tommy Timoteo, pawang nasa hustong gulang.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang nagmamaneho ng kotse na si Allan Barroza, kaya bumangga ito sa van na kinalulunan ng mga biktima at sa lakas ng pagkakabangga ay nagawi ito sa kabilang kalsada, kaya nabangga ito ng trak na minamaneho naman ni Mark Bago.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang tatlong biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Briones at La-ao.


Napag-alamang inihanda na ngayon ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to double homicide, physical injury at damage to property laban sa driver ng kotse at driver ng trak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page