2 empleyado ng lending company, hinoldap
@Balitang Probinsiya | November 19, 2023
ILOILO -- Dalawang empleyado ng lending company ang hinoldap ng dalawang armado kamakalawa sa Brgy. Pakiad, Oton sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Marlon Sabion at Jose Salcepuedes, kapwa nasa hustong gulang at parehong kawani ng isang lending firm sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang magkaangkas sa motorsiklo sina Sabion at Salcepuedes ay hinarang sila ng dalawang hindi kilalang armadong holdaper.
Nabatid na kinuha ng mga suspek ang sling bag ng dalawang biktima na naglalaman ng cash at cellphones.
Nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments