Search
  • BULGAR

2 drug traffickers, huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | November 10, 2020



PAMPANGA—Dalawang drug traffickers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Lourdes North West, Angeles City.


Kinilala ang mga suspek na sina Orlando Dayrit at Arnold Guibo, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.


Nabatid na may nag-tip na drug trafficker sina Dayrot at Guibo kaya nagsagawa ng drug-bust operation dahilan upang maaresto ang mga suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 370 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.