2 Drug traffickers arestado
@Balitang Probinsiya | December 24, 2022
CAMARINES NORTE—Dalawang drug trafficker ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Talisay.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Najib Haron, 26-anyos, residente ng Dasmariñas, Cavite at Sumaya Dimatingcal, 32-anyos, residente ng Lucena City, Quezon.
Ayon sa ulat, naaresto sina Haron at Dimatingcal sa isinagawang drug bust operation sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 170 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments