Search
  • BULGAR

2 drug dealers, huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | December 5, 2020



NORTH COTABATO—Dalawang drug dealers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa bayan ng Pigcawayan.


Nakilala ang mga suspek na sina Miko Kamsa at Sally Badrodin, kapwa nakatira sa Maguindanao.


Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nasabing bayan.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit 50 na gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.