• BULGAR

2 drug dealers, arestado sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | February 13, 2021



CAPIZ—Dalawang drug dealers ang naaresto sa isinagawang drug-bust kamakalawa sa Bgy. Baybay, Roxas City.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Andrew Patino, nakatira sa nasabing lungsod at Ramon Treyes, residente ng Talisay, Negros Occidental.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.