top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 drug dealer timbog sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 21, 2023


MAGUINDANAO DEL NORTE—Dalawang drug dealer ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lower Taviran Mother, Kabuntalan sa lalawigang ito.


Ang ang mga suspek ay naklalang sina Ben Mohasmad at Meri Batula, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.


Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa naturang barangay kaya nadakip ang dalawang drug dealer.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 125 gramo ng shabu at markadong pera mula sa pag-iingat ng dalawang suspek.


Hindi naman nanlaban ang dalawang suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page