top of page
Gary V. - IG.jpg

2 drug dealer, arestado sa hotel

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 06, 2023


ILOILO -- Dalawang drug dealer ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa loob ng isang hotel sa City Proper, Iloilo City sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Cicero Omero, 35 at Trisha Gabiazon, 27, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa loob ng isang hindi pinangalanang hotel sa naturang lungsod.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 90 gramo ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page