top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 Driver ng trak, todas sa pamamaril

BULGAR
Jan 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 14, 2023


CAMARINES SUR—Dalawang driver ng trak ang namatay sa pamamaril ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy, Taisan, Sipocot.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Kervie Amandecer, tubong Cagayan de Oro City at Saturnino Cruz, tubong Catanduanes.


Ayon sa ulat, habang nakaupo sa kanyang nakaparadang trak si Amandecer ay bigla itong pinagbabaril ng mga suspek at aksidenteng tinamaan naman ng ligaw na bala si Cruz na lulan naman ng minamaneho niyang trak.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Dinala pa ng mga saksi ang dalawang bikima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page