top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 dealer ng marijuana, nasakote

BULGAR
Jan 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 17, 2023


AKLAN—Dalawang drug dealer ng marijuana ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Glen Reyes at Niño dela Cruz, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.


Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na nagbebenta ng marijuana sina Reyes at Dela Cruz, kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation dahilan kaya nadakip ang dalawang suspek.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad isang pakete ng marijuana at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin sila ng mga operatiba at sa ngayon ay nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page