2 dayong tulak, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | March 28, 2021
NUEVA VIZCAYA—Dalawang dayong drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa bayan ng Solano.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Jayvy Pagsulingan, 30-anyos at Ryan De Leon, 35-anyos, kapwa nakatira sa Bgy. Centro West, Santiago City, Isabela.
Ayon sa ulat, naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation.
Nabatid na nakakumpiska ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Pagsulingan at De Leon na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments