2 construction workers, tiklo sa shabu
@Balitang Probinsiya | December 3, 2022
ALBAY—Dalawang construction workers ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy, Alcala, Daraga.
Hindi muna pinangalanan ang dalawang suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad para malaman kung sino ang nagsu-supply sa kanila ng droga.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ng dalawang construction worker ay agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 70 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng dalawang construction worker.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments