2 construction worker, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | Pebrero 13, 2024
ILOILO -- Dalawang construction worker na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Tabuc Suba, Lapaz District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang mga nahuling suspek ay kinilala ng pulisya na sina Denmark Castor at Glin Jover, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing barangay.
Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga otoridad sa nasabing barangay nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.
Nakakumpiska ang mga otoridad ng 80 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments