2 CAFGU tepok sa ambush
- BULGAR
- Nov 10, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 10, 2022
MASBATE—Dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit, na magkaangkas sa motorsiklo ang namatay sa pang-a-ambush na ginawa ng mga miyembro ng New People's Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Lampuyang, Pio V. Corpuz.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina CAA Jobert Abaja at CAA Jayvee Amandorom, kapwa kasapi ng CAFU na nakatalaga sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang lulan ng motorsiklo sina Abaja at Amandorom ay sumulpot ang mga komunista at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga tumakas na NPA.

%20-%20VICE%2C%20BINUGAHAN%20NG%20TUBIG%20SA%20MUKHA%20ANG%20BABY%20DOLLS%20MEMBER%2C%20NA-BASH%2C%20T.jpg)

Comments