top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 binata, nag-o-online game, ginulpi

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 15, 2023


AKLAN—Dalawang binata ang sugatan nang bugbugin ng apat na kalalakihan kamakalawa sa Bgy. Poblacion, New Washington sa lalawigang ito.


Ang mga biktimang nagtamo ng mga pasa sa mukha at katawan ay nakilalang sina John Mark Ruiz, at Roberto Sartiga, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing bayan.


Kinilala naman ang mga suspek na sina Mico Andrade, Rodney Simeon, Darren Ureta at John Alcante, pawang nasa hustong gulang at mga residente rin sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nakaupo at naglalaro ng online game sa cellphone sina Ruiz at Sartiga ay dumating ang mga suspek at agad binugbog ang dalawang biktima.


Agad rumesponde ang pulisya at nadakip sina Andrade at Simeon, pero nakatakas sina Ureta at Alcante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page