top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 bigtime tulak, timbog sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 19, 2023


BATANGAS—Dalawang bigtime drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Balagtas, Batangas City sa lalawigang ito.


Ang mga nadakip na suspek ay itinago muna sa mga pangalang ‘Mel’ at ‘Balat,’ kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.


Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 13 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad at ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page