2 bigtime tulak timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | November 11, 2022
ILOILO—Dalawang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Jose, Arevalo District, Iloilo City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Deanrick Saenz at Rex Valentino, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay, kaya nadakip dito ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 17 pakete at 170 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments