2 bigtime tulak, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | January 08, 2022
QUEZON–Dalawang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Dalahican, Lucena City.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Bernard Pielago at Anthony Mallari, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya sa nasabing lugar.
Napag-alamang nakakumpiska ang pulisya ng 10 pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments