2 bigtime tulak, tiklo sa droga
- BULGAR
- Feb 16, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Ika-16 ng Pebrero, 2024
ILOILO -- Dalawang bigtime drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Sta. Rosa, Mandurriao District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Frederick Villanueva, 44, residente ng Iloilo at Gilbert Valdemor, 34, ng Lucena City, Quezon.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation nang pagbentahan nila ng umano’y shabu ang mga operatibang nagpanggap na buyer.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 850 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments