top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 bigtime tulak, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 2, 2023



PAMPANGA—Dalawang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Pampang, Angeles City sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Noraida Pacasum, 31, at Marvin Guevarra, 24, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga nina Pacasum at Guevarra ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang dalawang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 55 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek at ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page