2 bigtime tulak, tiklo
@Balitang Probinsiya | December 12, 2021
QUEZON—Dalawang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Remelito delos Reyes, 36-anyos at Julius Maligalig, 24-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, may nakuhang impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu ang mga suspek kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar dahilan kaya nadakip ang dalawang bigtime drug pusher.
Napag-alamang nakakumpiska ang pulisya ng 12 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments