2 bigtime tulak, nasakote sa drug-bust
- BULGAR
- Nov 18, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 18, 2021
BAGUIO CITY—Dalawang bigtime drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bakakeng.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Rommel Mabalot, 39-anyos at Marjorie Tacuan, 28-anyos, kapwa nakatira sa naturang barangay.
Napag-alamang naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng 20 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments