2 bigtime tulak, nasakote
@Balitang Probinsiya | December 8, 2022
CAMARINES SUR—Dalawang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Cararayan, Naga City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Johnel Maristela at Leon Casilao, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay, kaya nadakip dito ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng halos kalahating kilo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments