Search
  • BULGAR

2 bigtime, tulak huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | January 11, 2021



CEBU CITY—Dalawang bigtime drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Duljo Fatima.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Roger Ongcoy at Nicasio Jimenez, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek nang magsagawa ng drug-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.