2 bigtime tulak, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | September 18, 2023
MARAWI CITY -- Dalawang bigtime drug pusher ang inaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation kamakalawa sa Hayfah Compound, Bgy. Gadongan sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rahib Cayugan at Norain Gunda, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments