Search
  • BULGAR

2 bigtime tulak, arestado sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | January 18, 2021



BATANGAS—Dalawang bigtime drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Ermita, Balayan.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Mitchell Sales at Resty Catchillar, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alamang naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek nang magsagawa ng drug-bust operation ang pulisya sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu, baril at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.