top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

2 bigtime tulak, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 29, 2023


LAGUNA—Dalawang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Makiling, Calamba City sa lalawigang ito.


Ang mga nadakip na suspek ay itinago muna ng mga awtoridad sa mga pangalang "Madam" at "Erwin" kapwa nasa hustong gulang.


Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 28 kilo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page