2 bigtime pusher, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | July 30, 2023
ILOILO -- Dalawang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa City Proper District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Juvy Fajutar at Junrey Bartolome, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang pulisya ng 130 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments