2 bigtime pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | May 3, 2023
CAMARINES SUR—Dalawang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Cararayan, Naga City sa lalawigang ito.
Ang mga nadakip na suspek ay nakilalang sina Marvic Cabral at Jason Belleza, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nadakip ang mga suspek sa drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 150 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad at ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng pulisya.



Comments