top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

2 bigtime drug dealer, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 19, 2023


SULTAN KUDARAT -- Dalawang bigtime drug dealer ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Kalawag 3, Isulan sa lalawigang ito.


Ang mga nadakip na suspek ay nakilalang sina Zacaria Sal at Guimaludin Sailudin, kapwa nasa hustong gulang at mga tubong Maguindanao del Sur.


Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng halos isang kilo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page