Search
  • BULGAR

2 bigtime drug dealer, nasakote

@Balitang Probinsiya | December 24, 2020



BOHOL—Dalawang bigtime drug dealers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Laya, Baclayon.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Enrique Loreriana at Mario Loquellano, kapwa nakatira sa naturang lalawigan.


Nabatid na kaagad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek nang pagbentahan nila ng shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng ilegal na droga.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang mga suspek nang dakpin sila sa nasabing barangay.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.