2 bigtime dealer ng marijuana, tiklo
@Balitang Probinsiya | November 20, 2021
BENGUET--Dalawang bigtime drug dealer ng marijuana ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Badiwan, Tuba.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Kristoferson Domogan, 38-anyos, nakatira sa Baguio City at Jason Ewad, 29-anyos, residente ng Tabuk City, Kalinga.
Napag-alamang naaresto ang mga suspek sa isinagawnag drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 90 pakete ng marijuana sa dalawang suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments