top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 bff niligtas sa lunod, 15-anyos dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 16, 2023


SORSOGON—Isang 15-anyos na binatilyo ang namatay nang malunod dahil sa pagligtas sa dalawang kaibigang muntik nalunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Banuyo, Pilar sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Kent De Vera, residente ng nabanggit na barangay.


Nabatid na naligo si De Vera, kasama ang kanyang mga kaibigan sa ilog sa naturang lugar.


Ayon sa ulat, habang naliligo ay dalawa sa kanyang kaibigan ang nalunod kaya ang ginawa ni De Vera ay sinagip ang mga ito at nang madala sa pampang ay tinangay naman ng malakas na agos ng ilog ang biktima.


Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero patay na nang maiahon sa ilog ang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page