top of page
Pokwang.jpg

2 beses na-biyuda, takot mag-asawa ulit kahit may 3 manliligaw

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 6, 2021



Dear Maestro,


Ako ay dalawang beses nang nabi-biyuda at hanggang ngayon ay natatakot pa rin akong mag-asawa muli, pero may mga manliligaw ako at tatlo sila. Una ay si Mr. Taurus na may birthday na April 23, 1984, pangalawa ay si Mr. Aquarius na may birthday na February 4, 1985 at ang pangatlo naman ay si Mr. Aries na may birthday na March 30, 1982.


Sino sa kanilang tatlo ang ka-compatible at dapat kong sagutin para habambuhay na akong maging maligaya sa larangan ng pag-aasawa? August 28, 1982 naman ang birthday ko. Nais ko ring malaman kung anu-ano ang masuwerte kong mga numero dahil minsan ay tumataya rin ako sa lotto?


Umaasa,

Ms. Virgo ng Diwa, Pilar, Bataan

Dear Ms. Virgo,


Ayon sa birth date mong 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=) at sa zodiac sign na Virgo, higit mong ka-compatible si Mr. Taurus na isinilang noong April 23, 1984, kung saan ang zodiac sign niyang Taurus habang Virgo ka naman ay sadyang suwetong-suweto at tugma sa isa’t isa.


Dagdag pa rito, ang zodiac sign mong Virgo na may ruling planet na Mercury ay taglay ang numerong 5, na siya namang birth date ni Mr. Taurus, dahil ang 23 ay kinokompyut ng ganito, 2+3=5. Ibig sabihin, kapag kayo ang nagkatuluyan at nagsama, sigurado na ang isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na relasyon.


Samantala, bukod sa sarili mong numero na 1, 10, 19, 28, 37 at iba pang numero na may sumatotal na 1, sinasabing ikaw din ay mapalad sa lahat ng numero na may sumatotal na 4 at 5, tulad ng 13, 22, 31, 40, 14, 23, 32, 41 at iba pang kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 1, 19, 26, 34, 41 at 42, gayundin ang 1, 17, 28, 34, 38 at 40.


Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa paradahan o paliparan ng eroplano o paradahan at daungan ng mga barko, puwede rin ang lotto outlet na malapit sa MRT o LRT o paradahan ng mga bus at sasakyan. Sa nasabing lotto outlet magagaganap ang iyong dambuhalang panalo, higit lalo sa mga piling buwan ng Oktubre o Mayo sa mga taong paborable sa iyong kapalaran, na taong 2021, 2028 o 2034.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page