top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 bebot, na-rescue sa sex den

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 12, 2021



ILOCOS SUR—Dalawang dalaga ang na-rescue ng mga awtoridad sa isang sex den kamakalawa sa Bgy. Suso, Sta. Maria.


Ang mga biktima ay itinago sa mga pangalang “Luisa”, 19-anyos at “Imelda”, 24-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Kaugnay nito, hindi muna pinangalanan ang nadakip na may-ari ng sex den habang iniimbestigahan pa ito.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na ginagawang sex den ang bahay ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito na-rescue ang dalawang biktima.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng kaso na isasampa sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page