top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 bebot, 1 lolo tiklo sa tong-its

  • BULGAR
  • Nov 17, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2022


AKLAN—Dalawang babae at isang lolo ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagto-tong-its kamakalawa sa Bgy. Toledo, Nabas.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Nanette Dimonen, Marilou de Pedro, kapwa 53-anyos at Melvin David, 61-anyos, pawang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar, kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang tatlong suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page