Search
  • BULGAR

2 bakasyunista, tiklo sa pekeng RT-PCR

Updated: Jan 8

@Balitang Probinsiya | January 5, 2021



AKLAN—Dalawang bakasyunista ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa dahil sa paggamit ng pekeng RT-PCR (Polymerase Chain Reaction) test result para makapasok sa Boracay Island.


Hindi na muna pinangalanan ang dalawang suspek na kapwa residente ng Metro Manila.


Nabatid na habang sinusuri ng mga awtoridad ang RT-PCR test result ng dalawang suspek na magbabakasyon sa Boracay Island ay napuna ng pulisya na peke ang ipinakikitang swab test result ng dalawang bakasyunista.


Nang makumpirmang peke, agad dinakip ng pulisya ang dalawang suspek.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents laban sa mga suspek.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.