top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 bakasyunista, sugatan sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 1, 2023


AKLAN—Dalawang bakasyunista ang sugatan nang sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Kalibo sa lalawigang ito.


Kinilala ang mga biktima na sina Silvestre Magallanes at Joseph Salazar, kapwa nasa hustong gulang at mga residente ng Antipolo City, Rizal.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Magallanes sa pagmamaneho ng motorsiklo habang angkas si Salazar kaya sumemplang sila sa kalsada.


Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima sa naganap na aksidente.


Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page