2 bahay nasunog
- BULGAR
- May 22, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 22, 2023
CAMARINES SUR—Dalawang bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Buyo, Goa sa lalawigang ito.
Ang dalawang nasunog na tahanan ay pag-aari ng magkapitbahay na pamilya Cuevillas at pamilya Dorion, kapwa residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na nag-umpisa ang sunog sa bahay ng pamilya Cuevillas at dahil mabilis ang pagkalat ng apoy, nadamay sa nasunog ang tahanan ng pamilya Doroin sa naturang lugar.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa dalawang tahanan sa nabanggit na barangay.



Comments