top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 bagitong tulak, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 18, 2023



ILOILO—Dalawang bagitong drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Igcocolo, Guimbal sa lalawigang ito.


Ang mga nadakip na suspek ay nakilalang sina Rofani Pineda at Adrian Gimeno, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar, kaya nadakip ang dalawang drug pushers.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng dalawang suspek.


Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page