2 bagets todas sa kidlat
- BULGAR
- May 26, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 26, 2023
CAMARINES SUR—Dalawang binatilyo ang namatay at isa pa ang nasa kritikal na kalagayan nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa bukid na sakop ng Bgy. Lupi, Tinambac sa lalawigang ito.
Dahil mga menor-de-edad, ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga biktima.
Ayon sa ulat, habang nagtatanim ng mais sa bukid ang tatlong binatilyo, biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa mga biktima.
Dahil sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama sa kanila, nabatid na nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang tatlong biktima.
Kaagad dinala ng mga residente ang tatlong biktima sa ospital, pero dalawa sa mga ito ay idineklarang dead-on-arrival.



Comments