2 Bagets timbog sa marijuana
@Balitang Probinsiya | Enero 20, 2023
KALINGA—Dalawang binatilyo ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng marijuana sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. Dangoy, Lubuagan.
Dahil kapwa menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ang dalawang suspek.
Napag-alamang napadaan sa police checkpoint ang dalawang binatilyo at nang kapkanan ay nakunan sila ng 570g gramo ng marijuana.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba.
Sa ngayon ay nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments