2 bagets, sugatan sa bus
@Balitang Probinsiya | November 26, 2021
CAPIZ—Dalawang binatilyo ang sugatan nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa likurang bahagi ng bus kamakalawa sa Bgy. Bilao, Sapian.
Dahil kapwa menor-de-edad, hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang biktima.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima kaya bumangga sila sa likurang bahagi ng bus na minamaneho ni Lodivico Alayon, nasa hustong gulang at nakatira sa Batan, Aklan.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang dalawang biktima.
Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng bus, samantalang ginagamot na sa ospital ang dalawang biktima.



Comments