top of page
Search
  • BULGAR

2 bagets, patay sa aksidente

News @Balitang Probinsiya | April 17, 2024



Iloilo — Dalawang binatilyo ang namatay nang bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa concrete railings sa national highway ng bayan ng Calinog sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang dalawang biktima habang hindi pa naipapabatid sa kanilang pamilya ang sinapit ng dalawang binatilyo na kapwa 17-anyos. 


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang rider na binatilyo sa pagmamaneho ng motorsiklo na kinalululanan din ng isa pang biktima kaya bumangga sila sa concrete railings.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page