2 babaeng tulak, tiklo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 1, 2023
QUEZON – Dalawang babaeng drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Jose, General Luna sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Melody Palatino at Marie Maano, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 100 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments