2 babaeng tulak, huli
@Balitang Probinsiya | May 4, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Dalawang babaeng drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Villamonte, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Sheeka Dela Fuente, 33, at Nora Alvaran, 50, kapwa residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments