Search
  • BULGAR

2 armalite rifles, narekober sa kuta ng NPA

@Balitang Probinsiya | November 04, 2020



Isabela—Dalawang armalite rifles ang narekober ng mga awtoridad sa kuta ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Diwagden, San Mariano.

Ang nakumpiskang dalawang armas ay bigay umano ng isang “Kumander Yuni” sa isang katutubo na itinago sa pangalang “Kanoy” na ni-recruit para maging rebelde.

Nabatid na mismong si “Kanoy” na sumuko sa kamakailan sa mga awtoridad ang nagturo sa kuta ng NPA at dito narekober ang dalawang armalite rifles.

Sinabi ni “Kanoy” na nagpasya siyang sumuko at ituro ang kuta ng NPA dahil hindi umano niya nagugustuhan ang pamamalakad ng mga terorista sa kanilang lugar.

Naglunsad na ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang kumander ng NPA sa nasabing lalawigan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.