top of page
Search
  • BULGAR

2 armadong tulak, huli sa drug-bust

News @Balitang Probinsiya | April 17, 2024



Negros Occidental — Dalawang armadong drug pusher ang dinakip ng mga otoridad sa  drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. Gahit, EB Magalona sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan pa sila ng mga otoridad. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng umano’y shabu ang mga suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang dalawang armadong drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 90 gramo ng hinihinalang shabu at dalawang baril na may lamang bala sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.



0 comments

Recent Posts

See All

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page