Search
  • BULGAR

2 armadong grupong, nagbarilan wanted

@Balitang Probinsiya | November 12, 2020



MAGUINDANAO—Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang dalawang grupo ng kalalakihan na nagbarilan kamakalawa sa Bgy. Muslim Guindulungan.


Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nagbarilan sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkasalubong sa naturang barangay ang dalawang armadong grupo at agad nagbarilan kaya nagsilikas ang mga residente sa nasabing lugar.


Mabilis na rumesponde ang tropa ng pamahalaan kaya nagsitakas ang mga suspek.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na barilan ng mga suspek sa naturang barangay.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.